Powered by Blogger.

Tips: How to play MyCareer in NBA 2K14 Without Glitching.

Ito ay para sa mga katulad ko na matagal ng naglalaro ng Basketball Sim. Mula sa Double Dribble ng Famicom (family computer) NBA Jam ng Super Nintendo hanggang NBA Live ng Sony Playstation. Hindi ko na sinama yung pinalaro sa aking ng kaibigan kong si Steve na David Robinson's Supreme Court. Naku bro sobrang hirap mag freethrow dyan.

Ang ibig kong sabihin hindi ito para sa mga arcade kung maglaro mala Run and Gun ang settings na kahit saan tumira, PASOK!  O kaya pag gamit ang Lakers walang ibang pinapatira kundi si Kobe.  Hindi din to para sa naka PSP, PS2 at Nintendo Wii.

Ang NBA 2K series ay isang bug-ridden game. Kung ano ang glitch last year present parin ngayon.  Dahil di na to dumadaan sa matinding beta testing na aabot kung pano tayo mag laro. Tulad ko mula release date nilalaro ko na sya hanggang ngayon.  Ang 2K developer walang sapat na oras para ma test ang haba ng seasons, madalas simulate simulate lang.

Eto ang mga known glitches ng 2K14 MyCareer:

1) Team Chemistry stuck at 10%
2)Signing for extended contract will freeze the console
3) All-Star Weekend Glitch. Following
A)  Injured list gone
B) Game will simulate to playoffs because game schedules are gone too.
C) Voted as stater but ended up as 12th man
4) NBA finals MVP Glitch

My solution:

1) Ang team chemistry pag gusto ka nila kalaro. Makikita mo ang individual team chemistry nila sayo habang nasa laro, pause mo punta ka sa box score, pili ka ng teammates press X (Xbox) [] (PS) tapos R2 or RT hanggang ipakita yung Chemistry nila.

Ang player na di mo pinapasahan mababa,  yung nag a-assist sayo mataas ganun din ang madalas mong pasahan. Galit sila sayo kapag hingi ka ng hingi ng bola. Nag pa champion ako pero  dahil 50 ppg ako at hingi ng hingi at walang play, lahat ng kampi ko 0% to 25% lang ang Chem.

Pag bantay mo lagi mong iniiwanan at nakaka score ng madali.

Offensive rebound ng bantay mo.

Turnover,  bad foul, tawag ng timeout.
Yung bola ang tagal sayo etc etc.

Lahat ng bagay na nagpababa ng team mates grade nakakapag pababa ng team chemistry.

Kaya ang dapat mong gawin. On mo yung All play visible.  Pag kailangan ng pick,  Pick!  Kailangan ng cut, Cut! Kung ang play eh dadaan lang sayo ang bola at kailangan mong ipasa,  ipasa mo. Wag buwakaw. Wag kalimutan mag boxout. Wag ipasa na pwedeng maagaw. At wag kang tatakbo at dadaan sa nagkukumpulang mga tao, mababanga ka lang at mawawala ang bola.

Wag kang pupunta sa GM para mag patanggal ng team mates,  ng coach o para dagdagan ang minutes mo.

Kung gusto mo ng ipa trade kakampi mo dahil bano. Pag sunod sunod ang talo nyo,  may option na lalabas sa GM na " tired of losing" dyan piliin mo ung mga talagang gusto mo, pero konting ingat dahil baka mai-trade din yung star player nyo. Kung ayaw mo kay Artest halimbawa piliin mo sa trade puro SF para pwesto nya ang kunin at sya ang i trade. Hindi yung mag aala Kobe ka sa GM at ipapatrade mo si Gasol.  Eh rookie ka pa lang! 

Pag bumaba ng todo ang Team chemistry, buong career mo 10% lang ang maximum.

2) 3 years ka sa team mo kung di ka nag pa-trade dahil kukunin nila yung team option sa contract mong 2 yrs. Ngayon wag na wag kang pipirma kundi mag pi-freeze yung console mo.  Hintayin mo matapos ang taon, at pag free agent ka na, nasa sayo kung gusto mo pa sa team mo o lilipat ka na.

Ngunit wag na wag mong pipiliin na sabihin sa GM mo na " I will try the free agency" bababa na naman ang team chemistry

3) All-star weekends. Dalawa option mo para di lumabas ang dalawang glitch.  Una pag rookie challenge na,  Wag mo laruin piliin mo Play Next Key Game.  Kahit isang buwan pa pagitan hayaan mo ng i-simulate ng game ang ilang laro mo kaysa mawala schedule derecho play-off agad at ang pinaka masaklap mabura o mag corrupt yung injured list mo. Dahil wala ng mai-injured pa sa game mo kahit ilang season pa dumaan.

Yung 12th man ka sa All-star wala ng magagawa dun. Wag mo na nga lang laruin. Ngayon kung gusto mo laruin ang buong all star weekend eto yung pangalawang option.  Play next key game may lalabas na option.  Rising star blah bla bla do you want to sim? Pag lumabas yan pwede mo na laruin piliin mo lang yung Play.

Warning kailangan mong tapusin yung game bawal mag quit dahil auto save yung 2K automatic delete ang schedule at injury list.

4)Yung Finals MVP ikaw ang binigyan ng trophy na finals MVP nung awarding, pero pag quit mo sa game, bago mag main menu. Yung kakampi mo ang tunay na MVP

Wag mong i-simulate ang ano man laban sa playoffs.

Yan mga workaround na yan eh dahil ilang beses na akong nag new mycareer dahil bano ang 2K.

Musta mga pre?!

Musta mga tol? ano balita sa inyo? Marami sa mga kaibigan ko ang halos di ko na nakausap at nakita simula nung pinaputol ko na ang telepono sa bahay (istorbo lang eh). Yung iba hindi ko na rin nakita, yung iba nag asawa, yung iba nakulong, yung iba ganun pa rin at walang nag iba at yung iba naghanap na ng iba :p haha. Si pareng Mikerapphone balita ko, magkaka anak na. Si Harris Praning may sakit daw. Si William Trauma Problemado ata, at si Duane busy parin sa kanyang cult followers :D joke lang sa kanyang Movies, epic fail at funny photos sa FB. Well lahat ng to sa FB ko lang nababasa at nababalitaan. Si Glen Phobia na lang ang nag tetext sa akin, ng mga sitas ng Biblia dahil bali-balita magpa pastor na daw o mag mamanggagawa.

Ako naman nananahimik sa eksena kasi may tatlong anak na ako na very busy na labanan ako sa call of duty, at syempre andyan din yung asawa ko na nagsusungit pag may ka chat akong ibang babae :) Tinigil ko na rin mag rap simula nung nasira ang PC ko at nakakatamad ng ipagawa dahil iba na ang technology ngayon. May Ipad, Tablet, Smartphone na isang click mo lang makakapag browse, check at chat ka na sa net. Andyan din ang Xbox, Wii, 3DS o kung anu ano pang games na napakadali na rin maaccess kumpara sa PC na maghihintay ka pang mag boot at aksaya sa kuryente kung iiwanan mo laging bukas. Kaya sa netbook na lang ako nagp-PC kung gusto ko mag PC. Hindi na nito kaya yung Fruity Loops, Acid Pro at kung anu-ano pang pang-studio programs.

May mga ilang kanta pa akong hindi na nailabas, sa kasawiang palad yung ibang lyrics andun sa PC na hindi na nagbo-boot, yung iba sa CP ko na nireformat ko ang SD card. Kaya wala na din. Nung nauso naman ang fliptop, maraming nagsasabi sali daw ako dun, ako naman sa kabilang banda hindi ko pinapansin. Kasi hindi ko laban yun, nung panahon ko kasi kailang sumabay sa beat, mag rhyme at dapat maganda ang flow ng freestyle mo. Dapat freestyle yung on the spot, yung hindi lyrics yung tipong di ka nagplano ng ibabanat mo. Maliban dun syempre kahit marami ang rap bulilit na nakakapag fliptop, may iilan din namang mahuhusay. Natatakot din akong ma olats noh! Maliban sa matalo ka ng magaling eh minsan kung sino pa tanga yun ang gusto ng mga yagit at tingin nila yun ang magaling. Nung nakikipag battle pa ako noon ilan beses din akong naluto, May dinaan sa palakpak, ang nanalo yung taga doon sa lugar na yon. Meron din na kakampi ng judge, biruin mo 5 minuto akong nag freestyle at walang lumaban, ang nanalo grupo, na may lyrics at chorus. Ang judge noong gabing yun si Hi-Jakkk. Pero ok lang nakunan ang tagpong yun nang Urban MYX, pero pinakita lang ako saglit lol. At pag katapos noon may kumausap sa akin na kung pwede ba daw akong mai-featuring sa kanta nila na kasama sa POWER 108: BARANGAY FLIPHOP/HIPHOP. Umuo ako syempre, mga kaibigan ko may album na gaya ni Duanesis tapos si Derhan at si Mike nasa Open MIC Album. Edi nag record ako sa locotes at nakita ko si Cain ng El Latino. Feeling artist na ako haha. Sa kasamaang palad hindi lumabas yung Album.

Lumipas ang maraming panahon, sa linya gumawa kami ni Mike ng ibang persona. May Utooth at PUNKHE na rakista. Mang ramon at ka dante (country music?) Brando't Bruno mga bading (pop dance/techno) at Muhammad and Rajiv. Muhammad and Rajiv lang ang nailabas namin sa internet. Sumikat, at nag top 1 sa Soundclick ang page namin ni mike at page ko (oo magkahiwalay) hanggang sa nagkaroon ng issue na kesyo Michael V daw ang kumanta nun, may nagsabi ninakaw daw ni bitoy. Pero ang pinaka BADTRIP sa lahat eh yung SI BITOY DAW ANG ORIGINAL AT MAY MUSIC VIDEO PA DAW NA GALING BUBBLE GANG alam nyo kanino galing, sa kapit bahay ko. Oo kapit bahay ko ay hindi naniniwala at gumagawa pa ng istorya pero ok lang yun kasi asawa na sya ngayon ng isang rapper. Malay mo asawa nya na lang ang mag explain sa kanya hehe :)



 Hindi na din naituloy yung album na ginagawa namin ni Mike. Bukod sa busy sa personal na buhay (hindi kasi kami kagaya ng iba na tambay at walang inaatupag) Medyo nahirapan din akong magsulat para kay Rajiv, oo kasi nahihirapan ako ipag hiwalay minsan yung pagkatao namin, at kung panong flow ang gagawin. Eh si Mike henyo yun eh walang problema lahat kayang gawin.

Ngayon eto ako't nag tatype sa netbook at gusto ko lang kamustahin ang mga dating kaibigan, mga bagong makilala at mga bagong babasa at susubaybay sa blog na to.

Maraming salamat sa maikling panahon kung may gustong sabihin mag comment lang wag mahihiya.

Dahil walang pangit pangit sa TI__NG GALIT, at walang pangitpangit sa P___NG naglalagkit!